top of page
Image by Vernon Raineil Cenzon

BLOG: WIKANG TINAHAK, SALUBUNGING MAY GALAK

BRIAN G. RASING

Home: Welcome

PANIMULA

Tila parang isang koneksyon ang wikang Filipino na kung saan ito ay may kapangyarihan magpatakbo ng Pilipinas, isang mekanikong bansa na kung saan kumokonekta sa bawat Pilipino patungo sa bateryang pagpapaunlad nito. Kaakibat nito ang pangangailangan na mabigyang tuon at pansin upang ang mekanikong bansa natin ay higpat pang umunlad. Kung ang bawat mamamayan sa bansa natin ay may sari-sariling wika, ang koneksyon sa bateryang ito ay dadami ang sangay kung kaya naman dapat ay may iisang daan pa rin na makapag uugnay sa bawat Pilipino, hindi upang puksain ang mga iba’t ibang umiiral na wika sa ating bansa, pero para magkaroon ng iisang daluyan na maiintindihan ng bawat isa. Bilang mamamayan, may karapatan ang bawat isa na magbigay pansin sa sitwasyong klinalalagyan ng wikang nakapaloob sa ating bansa. Gayunpaman lahat tayo ay may pananagutan sa pagpapanatili ng maayos na pagtakbo ng ating bansa, katulad na lamang ng isang makina ay dapat na may maayos na koneksyon ang bawat isa sa baterya upang medaling mabigyan ng kakayahang tumakbo patungo sa pagunlad.

Home: Text

WIKANG FILIPINO: KALAGAYAN SA KASALUKUYAN AT MODERNONG PANAHON

Sa kalagayan ng mundo natin ngayon, mas nahahasa na ang mga kabataan na gumamit ng wika sa pamamagitan ng online media. Sapagkat instant na ang pagpapadala ng mensahe, mas napapabilis ang palitan ng ideya at pag gamit ng wika sa paraang berbal at di-berbal na komunikasyon. Berbal sa pamamagitan ng call at di-berbal naman kung text messaging ang gagamitin. Maalin man ang gamitin, talaga naming di natin maipagkakaila na mas mabilis maibahagi ang mensahe sa dapat nitong patunguhan. Ang mass media ay talaga namang kahanga-hanga kung pagmamasdan natin ang dulot nito sa ating wika lalong lalo na sa wikang Filipino. Ngunit hindi natin maipagkakaila na sa taglay nitong kakayahan maibahagi ang ating saloobin nang walang kahirap hirap ay nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pag unlad ng ating wika sa pamamagitan ng midyum na ito. Sa napapanahong kondisyon ng ating wika mabuti na rin at nagagamit ang midyum na ito lalo na sa kalagitnaan ng pandemic, na kung saan ang pisikal na pagkikita at interaksyon ng bawat isa ay limitado. Kung kaya naman damay na rin ang pag gamit ng wikang Filipino na kung saan may malaking epekto sa pag intelektwalisa nito.



Sa panahon ngayon, mabilis na ang pagkalat ng impormasyon gayun na din ang iba’t ibang teksto at lengguwahe. Ang wika natin ay arbitraryo kung kaya naman ito ay nagbabago dahil sa mga aspetong nakakaapekto dito gaya nalamang ng iba’t ibang diyalekto. Dahil na rin sa barayti ng wika nagkakaroon ng iba’t ibang lengguwahe na sa kalaunan ay nagsasangay ng bagong salita. Tulad na lamang nito ay ang pagkakaroon ng Dayalek, dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na nahahati sa mga pulo, hindi maiiwasan na ang bawat taong naninirahan dito ay may kanya kanyang wikang ginagamit, Gaya na lamang ng Ilokano para sa mga nasa norteng bahagi ng bansa, Tagalog para sa mga katagalugang bahagi, at Bisaya, Waray, Cebuano atbp. Para sa mga natitirang bahagi. Hindi lamang nagaganap ito sa loob lamang ng bansa pero dahil sa teknolohiya at malawakang pagsagap ng impormasyon, naaapektuhan na rin ng ibang bansa ang lagay ng ating wika. Katulad na lamang ng paguso ng Kpop na kung saan karamihan sa kabataan ay nahumaling na at mas napagtutuunan ng pansin ang pagaaral ng lengguwahe ng mga koreano pati na rin ang kultura ng mga ito. Dahil sa ganitong sitwasyon nagkakaroon ng kawalan ng nasyonalismo ang iba sa atin at napapabayaan ang kultura, lalo na ang wikang pinagkaloob sa atin. Sa pamamagitan ng mass media, massulong nating ang malawakan at mabilis na pagbabahagi ng impormasyon ng kalagayan ng ating wika. Mga iba’t ibang platform ng wika gaya na lamang ng Internet, Telebisyon, Telepono atbp., na kung saan magagamit natin upang maiparating natin ang mensahe tungkol sa tunay na kalagayan ng wika sa ating bansa.



Masasabi natin na patuloy pa rin naitataguyod ang ating wika hanggang ngayon sapagkat nabibigyan natin ng halaga ang pag aaral dito lalong lalo na sa ating edukasyon nung tayo ay elementarya hanggang tayo ay maging ganap na propesyonal sa piling larangan. Naipapakita natin na mayroong pagkakaisa at magandang kultura na pwedeng maihandog ang mga Pilipino at ang bansang Pilipinas. Wikang Filipino ang ating kalasag sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Tinutulangan tayo nito na magkaisa at lampasan ang bawat balakid at mapagtagumapayan ang kahit anong unos na dumaan.

Home: Text

WIKANG TINAHAK, SALUBUNGING MAY GALAK

Hudyat ng wika, ating suungin
Tila makulimlim na dapithapon dumating Mga banyagang nakatago, may balak na palihim
Dala nila ay armas, hawak natin ay patalim
Hudyat nila ay gulo, tatag ng dila ang laban
Maiwan ang malakas, wika ang sandalan Kung ating titingnan wikang pinagmulan Mas mahaba pa sa karagatan hirap na dinaanan
Kahit anong hirap ating lakbayin Pagpapaunlad na gawain,
mamamayan ay hikayatin
Sa kumpas ng ating dila lagi nating dalhin Kultura at pag mamahal sa Wika,
simbolo ng sariling atin

Home: Text

“AWARE NA U? D2 NA ME”

Bagong binuo  mula saking lumang kwaderno,

Yugtong ilalahad nakatuon sa wikang Filipino


Aking sisimulan sa Araw ng Lunes, ika16-Agosto 2021

Kakauwi lang galing sa matagal na paninirahan sa Cavite.

Pasalubong ko ang nararamdamang paninibago, dating barumbado,

nagbago kahit papaano

Dami na nangyari sa panahong ako’y nawala,

ngunit di pa rin ako sinasagot ng aking pangga

Matanong ko lamang kung kelan kaya,

magkikita na hindi lamang ako ang taya.

Talaga namang pag naiisip kita ako’y natutulala,

hindi na natuto sa pag aalala

sa kadahilang baka may nakakausap ka ng iba

Ngunit sa isang idlap habang ako’y natutula,

sa mga papalapit na yapak tila ako’y nagambala.

Nakooo!, nako, nako, nako, nako!

Andiyan nanaman si marites, tila walang nagbago pag Lunes

Tanghaling tapat sa amin pang tapat,

 sila nagtapatan nung apat nyang kasamahan

 na handa nanaman makipagtalastasan.


At sa buong tanghali aking natunghayan,

dayalekto at rehiyon nung apat tila ba’y magkakaiba,

ngunit sa pakikipagkwentuhan sila naman ay nagkakaisa.

Isang galing sa Batangas, ala eh! Batangena,

Yung isa naman taga davao, aba’y Bisaya man day!,

 at dalawang taga manila, mga galing katagalugan


Magkakaibang rehiyon man ang pinaggalingan iisang wika lamang aking nasubaybayan

Naguguluhan, nagugulumihanan

ngunit nangangahulugan wika’y may kabuluhan

Makabuluhan ang wikang napahalagahan

Makabuluhan sa tilang pakikipagugnayan

Kabuluhan sa wikang  nasa sarili nyang tahanan,

bayan, nyang napag gagamitan

Na kung magkaiba man ating rehiyon, at nasyonalidad na pasan pasan

hindi na tayo mahihirapan sa pagintindi ng ating kababayan,

kahit sa muling pagkikita sa ating magpipinsan,

malayo man ang kanilang pinanggalingan

Magkita man tayo sa dulo ng hangganan

ay may nakaantabay

Nakatambay na wikang naghihintay lamang na iyong bigkasin,

mga salitang may kahulugan at natatagaong lihim

Naghihintay sayo upang saliksikin, alamin

kung papaano pahalagahan at lalong pagyamanin

Pokus sa adhikain!

Na kung ang mga nagdadaldalang tao pa nga sa daanan ay gumagamit nito,

papaano pa kaya ang mga edukado


At sa mga susunod na araw na maaari man akong lumisan

daladala ko pagbalik sa akademya, ang aking natunghayan.

Parati kong matatandaan ang pag tahan ng bibig ni marites,

bukod sa paalala na araw na ng lunes,

naging paanyaya na rin ito na sa tanghaling tapat hanggang dapit hapon,

magsimula man ang umaga ni haring araw sa taas ng nayon,

paalala kung nasaan ka man nandodoon,

ay laging tatandaan na may nanalaytay sa ating dugo

Balikan pa natin ang panahon na nag simula sa mga nag sugo,

mga pilipinong nag alay ng kanya kanyang buhay at dugo

upang ang sarili nating wika kahit marami man itong karugto,

maiahon; maitangkilik; at nais ipahayag sa bawat sulok ng mundo.

Kung kaya’y maitanong ko na lamang sa inyo na makakamtam paba ito?

kung tayo mismong Pilipino ang magsasawalang kibo?


-WAKAS-

Home: Text

LENGGWAHILA

Tagapagtanggol ng WIKA

Mithiin


Minimithi ng aming adbokasiya na panatilihin at mabigyang sigla ang ating wika lalo na sa Asignaturang Kolehiyo para sa isang minimithi na, maging wikang intelekwalisado ang wikang Filipino.


Layunin

Nilalayon ng aming Abokasiya na mabigyang supporta ang wika para hindi tuluyang matanggal sa Kolehiyo. Kasama namin sa tungkulin ng kampanya ang magsagawa, mag coordinate at magsulong ng mga pagsasaliksik para sa kaunlaran. Pagpapalaganap at pagpapanatili ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa at wikang Panturo sa Asignatura lalo na sa Kolehiyo.

Home: HTML Embed
Cadet..jpeg

TUNGKOL SA MANUNULAT

Ako po ay si 4CL Cdt. Rasing mula sa lalawigan ng Oriental Mindoro, kasalukuyang nag-aaral sa MOL Magsaysay Maritime Academy sa kursong B.S. Marine Transportation. Ako po ay isang mag-aaral na may pagmamahal sa wika at handang itaguyod ito upang umunlad at matangkilik ang sariling atin.

Home: About

CONTACT

Brgy. Suqui, Calapan City, Oriental Mindoro

0977 740 9106

Home: Contact

Ako po ay higit na nagpapasalamat sa pagbasa ng aking blog. Mahigitan pa natin at maitaguyod ang kasalukuyang kondisyon ng ating wika patungo sa pagiging ganap na pagkaintelektwalisado.
MARAMING SALAMAT PO!!!

Home: Text
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2021 by BLOG: Wikang Tinahak, Salubunging may Galak. Proudly created with Wix.com

bottom of page